HINDI natuloy ang paglipat ni Derek Ramsay sa bagong bahay na ipinatayo niya somewhere in Alabang dahil sa enhanced community quarantine.
Sa isang radio interview, natanong ang Kapuso hunk kung si Andrea Torres na nga ba ang ititira niya sa bahay na ‘yun. Ani Derek, nasa plano na niya ang mag-settle down at 100% sure na siya na si Andrea na ang “the one” for him.
Dahil sa enhanced community quarantine, nagtitiyaga lang muna ang magsing-irog sa araw-araw na video call. Sabay sila nagwo-workout. Every night naman ay sabay silang nagpe-pray.
BALIK-TV
Balik-TV at live nang napapanood ang “Wowowin” sa GMA7 pati sa FaceBook, You Tube at Twitter. Live napapanood ang “Tutok to Win”, 5:30 to 6 pm.
Maraming sorpresa at papremyo si Willie na aniya, kahit wala na siyang kitain sa kanyang programa, gusto niyang ipagpatuloy ang paghahatid ng kasiyahan sa mga tao.
MAY PA-PORTRAIT
Bilang tulong sa drivers, street vendors at construction workers na apektado ng enhanced community quarantine, may project si Tom Rodriguez na ipinost sa Instagram, ang “Guhit Pantawid: Portraits for a Cause.”
For a minimum P500 donation, iguguhit ni Tom ang portrait ng donor.
Maaaring ipaabot ang financial help sa Facebook groups na: Super Tsuper for drivers, #PasokMgaSuki for street vendors at Tulong sa Construction Workers na obviously, para naman sa construction workers.
Para ma-claim ang portrait, sagutan ang Google form sa bit.ly/guhitpantawid kalakip ang donation slip at portrait reference photo hanggang April 17.
FUND-RAISING
May fund-raising din ang Kapuso mommies na sina Pauleen Luna, Iya Villania, Camille Prats, Chynna Ortaleza, LJ Reyes at Chariz Solomon. Ang kanilang “Project Alalay kay Nanay” ay namamahagi ng vitamins, pagkain at iba pang pangangailangan ng babies na ang parents ay kulang ang kinikita o nawalan ng trabaho dahil sa enhanced community quarantine.