BY RUEL MENDOZA
*
DAHIL din sa enhanced community quarantine, hindi nai-celebrate ng bongga ni Sheryl Cruz ang kanyang 46th birthday noong nakaraang April 5.
Pero natuwa naman ang aktres dahil sa mga natanggap niyang flowers at regalo mula sa mga kaibigan at kamag-anak.
“My heartfelt gratitude for all your thoughtful messages for my natal day. See you all soon on the small screen courtesy of my Kapuso family. Abangan niyo po kami sa ‘Magkaagaw’,” post ni Sheryl via Instagram.
Sobrang nami-miss naman ni Sheryl ang kanyang daughter na si Ashley na naka-base ngayon sa US dahil sa pag-aaral nito.
Pinagdarasal ng aktres na ligtas at healthy ang kanyang anak kahit na magkahiwalay sila. Share niya, sa huli nilang pag-uusap, nasa mabuting kalagayan naman daw ito.
Dasal ni Sheryl, “I pray that the advancement of Science and Technology, the advancement of proper medication, as well as immunization are achieved likewise to battle and keep us safe from the new types of viruses coming our way.”