BY RUEL MENDOZA
*
TULOY ang paghatid aliw nina Kyline Alcantara at Bianca Umali sa kanilang fans sa kabila ng pinaiiral na enhanced community quarantine.
Kamakailan ay nilabas ni Kyline ang official music video ng kanyang single na pinamagatang “123” na sadya namang pinakahihintay ng so-called “Sunflower,” bansag sa kanyang mga fans.
Patuloy nga ang paglawak ng career ni Kyline na obvious naman na hindi lang magaling umarte kundi magaling ding kumanta at sumayaw.
Naka-season break muna ang pinagbibidahan ni Kyline na teleseryeng “Bilangin ang Bituin sa Langit.”
Pero dahil nga mahal nito ang kanyang mga fans, hindi pa rin siya tumitigil sa pagbigay aliw sa mga ito.
Kasalukuyang naka-quarantine sa probinsya nila sa Bicol ang dalaga.
Samantala, nilabas na rin ng GMA Music ang single ni Bianca na “Kahit Kailan.”
Ang pagkanta naman ang hinaharap ni Bianca dahil natigil din pansamantala ang filming ng HBO Asia series na “Halfworlds.”
Mapapanood din soon si Bianca sa teleserye na “Legal Wives” kasama si Dennis Trillo.