HANGGANG April 20 ang submission ng entries para sa “Project Foreword” ng ABS-CBN Books. Para ito sa mga nangangarap maging published author. More than 220 writers na ang sumali sa program nito.
Mentors ng “Project Foreword” sina Charo Santos-Concio (Chief Content Officer ng ABS-CBN), Ricky Lee (batikang manunulat), Ardy Roberto (inspirational speaker) at Maki Kris de Luna Ogang (a.k.a. Makiwander), published author.
Ani Charo, “Puwede ma-train ang sarili sa pagsusulat mula sa mga nababasa o napapanood. Kapag nakabasa ka ng magandang libro, nakapanood ng magandang pelikula o nakapakinig ng magandang musika, napupunta ka sa ibang mundo at nakakakilala ng iba’t ibang tao na may iba’t ibang pinagmulan. Natututo tayong magpahalaga at magkaroon ng simpatiya para sa mga karakter na hindi lang sa iyo umiikot ang mundo.”
Dagdag ni Ricky, “Magtiwala sa sarili sa pagbahagi ng kuwento. Mahalaga ‘yung may epekto sa tao ang paggawa ng istorya.”
Ika naman ni Ardy, “A good story should give readers hope.”
Advice ni Makiwander: “Dapat i-impart sa kuwento ang moral lesson ng story. Dapat meron tayong matututunan sa karakter.”
Para sa mechanics, visit noink.abs-cbn.com. Submit your entries sa book@abs-cbn. com o visit www.abs-cbn.com/ newsroom.
SPECIAL DOCU
Tonight sa “I-Witness,” ibabahagi ni Howie Severino ang karanasan niya bilang Covid-19 patient 2828. Sa pamamagitan ng video na kuha ng nurse na nag-alaga sa kanya noong nasa ospital siya, idedetalye ni Howie ang mga pinagdaanan niya.
Tinuruan niya ang nurse paano gumawa ng documentary. Sobrang pasasalamat ni Howie sa medical frontliners na nag-asikaso sa kanya.
NAG-DONATE
Over 200,000 ang subscribers ni Kris Bernal sa kanyang YouTube channel at nakatanggap siya ng Silver Play button.
Ang unang suweldo niya na $400 ay ipinamahagi niya sa iba’t ibang animal welfare organizations.
Bongga!