FOREIGNER mula Spain ang bagong jowa ni Ellen Adarna.
Inamin ito ng hot momma sa isang episode ng podcast na “Good Times with Mo.”
Sa inilabas na report ng gmanetwork.com sa Twitter account nito, saad ni Ellen, “It’s a long distance relationship.”
Walang problema dito si Ellen na aniya, “It actually works well for me because I have to spend more time with my son. It works well for me. I’m not hassled at all.”
Hindi man binanggit ng ex-partner ni John Lloyd Cruz ang name ng guy, matatandaang naging usap-usapan kamakailan ang pagiging sweet ni Ellen sa isang poging lalaki nang nagpunta siya sa Spain a few months ago.
Na-identify pa nga ang guy bilang Carlos Lemua.
One and the same guy kaya ang tinutukoy ni Ellen?
Hmmm…
Pahayag pa ni Ellen, wala na muna siyang planong bumalik sa showbiz pati na sa vlogging.
Nanganak si Ellen last 2018. Lalaki ito na pinangalanan niya at dating jowa na si John Lloyd ng Elias Modesto.
Busy si Ellen sa negosyo ng pamilya.
Kwento niya, “I’m working now for my family so I don’t have plans to go back to showbiz anytime soon, not in the next seven years.
“And no, I don’t have plans on vlogging as well,” diin pa niya.