MUKHANG okay na si Bianca Umali sa daddy ni Ruru Madrid.
Ito ay base sa isang Tiktok video na napanood namin kamakailan.
Makikita sa short video na magkasama si Bianca, Ruru at ang daddy nito.
Magkatabi pa si Bianca at ang daddy ni Ruru sa video.
Matatandaang nagbantang aalis ng bahay ang daddy ni Ruru kung makikipagbalikan ang anak sa dalaga.
Ito ay matapos ma-bad shot si daddy sa inasta diumano ni Bianca sa parking lot ng SM Megamall several months back. Ang kwento, sa sobrang selos ay muntik masagasaan ni Bianca si Ruru. Nagalit daw ang tatay ni Ruru dito.
Anyway, mukhang kalimutan na lang ang nagyari.
Take note, hindi pa rin umaamin si Bianca at Ruru sa totoong estado ng kanilang relasyon.
Basta, “happy” daw sila sa isa’t isa.
MGA MAGGUGULAY
Dumarami ang artistang nahihilig sa pagtanim ng gulay.
Sa Silang, Cavite naka-lock down si Mylene Dizon. Ang pagtatanim ng sari-saring gulay sa kanyang garden ang pinagkakaabalahan niya.
Ang pagtatanim din ng mga gulay sa kanilang backyard sa Bicol ang pinagkakaabalahan ni Kyline Alcantara sa ngayon.
Nagtatanim din ng mga gulay si Glaiza de Castro sa resthouse niya sa Baler-Quezon kasama ang kanyang pamilya.
WORRIED
Labis na nag-aalala si John Prats para sa misis niyang si Isabel Oli na manganganak sa July sa third baby nila.
Sana raw ay maging maayos na ang sitwasyon sa ating bansa bago manganak si Isabel.
May magandang dulot naman daw ang enhanced community quarantine. Every night nag-pe-pray ang buong pamilya na dati’y hindi nila magawa.