BY RUEL MENDOZA
*
BALAK yatang palitan ni Gladys Reyes ang Aerobics Queen of the ‘80s na si Vivian Zapanta.
Sa mga latest video post ni Gladys sa social media, naka-full dance exercise outfit ito at nagpapakita ng kanyang mga dance workouts.
Dahil kailangan niyang mag-exercise, at walang mga Zumba classes, gusto niyang sabayan siya ng kanyang followers para maging aktibo at fit tulad niya.
Post ni Gladys: “80’s medley dance exercise naman. Good vibes lang mga mommies, kahit di gano malambot ang katawan, keri lang yan basta gumagalaw at pinapawisan para lumabas toxins sa katawan. Steps and music from YT Retro Fitness ph with Bennie Almonte and Wowie de Guzman.”
Mas kinakaaliwaan nga raw ng netizens ang mga suot ni Gladys kesa sa kanyang dance workout routine.