SANIB-puwersa ang mga comedians mula sa magkatunggaling Kapuso at Kapamilya networks para tulungan ang mga frontliners sa mga pangangailangan nila sa patuloy na pagpapairal ng enhanced community quarantine dahil na rin sa pesteng COVID-19.
Tila ceasefire muna ang network wars sa effort ng grupo, huh!
Lalo na nga’t halos buong cast ng “Bubble Gang” ng GMA at “Banana Sundae” ng ABS-CBN ang nakiisa para sa magandang layunin.
Pinangunahan nina Ogie Acasid, Herbert Bautista, Janno Gibbs, ang Padilla brothers na sina Dennis at Gene ang pagbuo ng grupo na tinawag nilang Covidyante at nag-iiisip pa sila ng gagawin upang makatulong.
Kasama rin nila si Vhong Navarro na nag-suggest ng iba’t ibang challenge para ipakita ang suporta sa frontliners.
Sina Janno Gibbs at Jerald Napoles naman ang namahala sa social media account ng grupo habang si Ai Ai de las Alas ang magbi-bake ng tinapay para ipamigay sa iba’t ibang sectors.
Sumapi rin sina Joey Marquez, Michael V, Kim Molina, Randy Santiago, Paolo Contis, Giselle Sanchez, Gelli de Belen, Ryan Bang at Candy Pangilinan.
Inaasahan din ang pagsama sa Covidyante ng iba pang komedyante.
Ang official hashtag ng grupo ay #PunchlinersForFrontliners.