ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
*
Hi Alex,
Naiinis ako sa misis ko. Alam ko na dapat maging maingat kami para hindi mahawa sa coronavirus pero parang sobra na. Kapag nasa labas kami, maingat naman kami. Naka-mask, may sumbrero, nasuot pa nga ako ng raincoat para sigurado. Pagdating sa bahay galing sa grocery, hubad lahat. Hugas ng kamay at alcohol bago kumain. Pero ang hindi ko maintindihan, pati sa loob ng bahay, laging naka-suot ng mask ang misis ko. Siya lang ang nakasuot ng mask sa loob ng bahay. Tinanong ko kung bakit pero hindi niya ako masagot. Tapos kapag tumatabi ako, lumalayo siya dahil social distancing daw. Eh sigurado naman ako wala akong wala akong COVID-19! Kahit sa pagtulog, magkalayo na kami! Ano kaya talaga ang dahilan bakit siya lagi lumalayo sa akin?
Stan ng Makati
Hi Stan,
May suspetsa ako kung bakit pero gusto ko muna magsigurado. During quarantine ba eh madalas ka maligo o baka nakakalimutan mo maligo? Baka naman kaya ka hindi tinatabihan eh dahil alam mo na, ang baho mo na? Kaya siguro naka-mask! Maligo araw-araw, sa virus matakot wag sa tubig!
*
Hi Alex,
Grabe yung kapit-bahay namin! Nag-videoke pa rin kahit may lockdown. Nasa labas at nag-iinuman! Eh diba liquor ban ngayon! Tapos siya lang ang lalake, kasama niya puro mga babaeng seksi at magaganda. Sa kalsada lang sila nagkakantahan at nag-iinuman! Inaabot ng umaga! Minsan nagsasayawan pa yung mga babae at halos naka-bra at panty na lang! Hindi kami makatulog! Ano bang gagawin namin, ireklamo sa pulis o sa baranggay?
Clarise ng Pasay
Hi Clarise,
Huwag kang padalos-dalos. Liwanagin ko lang, may mga seksi at magagandang babae na umiinom at nagsasayawan? Teka, dahil ako mismo ay nag-aalala sa kalagayan niyo. Ako mismo ang pupunta diyan sa lugar niyo para makita ko ang mga babae, este, ang kapit-bahay niyo at ng mapagsabihan ko! ‘Wag kang mag-alala, hindi papalagpasin ang pagkakataong este ang sitwasyon na ito at pagsasabihan natin yang kapit-bahay mo! Nangigigil ako sa excitement, este, sa galit! Sabihin mo agad sa akin ha!
*
Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected] or facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007.