Dear Ms. Rica,
Virgin pa ako, but stuck with my friend during ECQ. Recently po, nagkaroon kami ng sexual tension. Tapos hinawakan niya po ako at nilaro nya ‘yung vagina ko using his fingers. Medyo malaki ‘yung kamay niya and mahaba ‘yung mga daliri niya. Tapos po nagkadugo ako after. Natakot po ako bigla. Ano po ang gagawin ko?
What Happened
Hello What Happened,
Sa panahon ngayon, hindi nga mapagkakaila na magkaroon kayo ng sexual tension ng kaibigan mo, lalo na’t palagi kayong magkasama sa bahay. Normal naman ang page-explore ng inyong sexuality pero kailangan ninyo ring magdahan-dahan sa inyong mga explorations. Proceed with caution kumbaga dahil may tendency na maging too over eager or overly excited, especially during this time.
Normal para sa ibang mga babae ang mag-bleed after penetration for the first time. Bright red usually ang pagkapula nito dahil sa pagkapunit ng hymen. Ito ay nagiging dark hanggang mawala within the several days. Kaya huwag kang matakot. Kung wala kang nararamdaman na sakit o infection, ay normal lang ang iyong pagdugo. Makakatulong din na wala munang vaginal penetration or orgasm hanggang tumigil na ang pagdudugo.
Para sa iyong peace of mind at hindi ka na matakot, magandang magkunsulta sa isang OB-GYNE online para mas maintindihan mo ang nararanasan mo. Madami namang doctor ang may online consultations at this time. Good luck on your new found relationship with your friend. And like I said, proceed with caution and stay safe in more ways than one.
With love and lust,
Rica
* * *
Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Sex and Relationships Therapist, Sex Educator. She opines that sexual empowerment for Filipinos is sexier than sex.
Follow her at facebook.com/TheSexyMind and facebook.com/ConservativeAko and @_ricacruz in Twitter and IG and subscribe to her podcast, bit.ly/conservativeako on Spotify. Join the Conservative Ako Community on Facebook for more advise on sex and love!