NON-STOP ang paglipana ng fake news, online scammers at fake accounts sa social media ngayong nasa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang ilang bahagi ng bansa.
Una na rito ang diumano’ y audio clip ng boses ni Jessica Soho na nagbibigay-babala sa mga tao tungkol sa mga susunod na mangyayari kaugnay ng umiiral na ECQ dahil sa COVID-19.
Agad pinabulaanan ng GMA News and Public Affairs ang kumalat na audio clip.
Sa official page ng GMA News and Public Affairs, walang anumang pahayag na binitawan si Jessica.
Pinaiimbestigahan na ito sa NBI ng kinauukulan as of this writing.
Di kalaunan naman ay lumutang ang magkahiwalay na pekeng account nina Marian Rivera at Maine Mendoza.
Sa screen shot ng fake account ni Yan, ginamit pa mismo ang litrato ng aktres, huh!
Nakalagay sa post na magbibigay siya ng limang libong
piso sa masuwerteng magla-like, subscribe at share ng posts niya.
The nerve!
Sa poser naman ni Maine, ginamit pa nito ang pangalan ng “Eat Bulaga!” at GMA Films President Atty. Annette Gozon, huh!
Ang modus naman niya para nmakalikom ng followers e, ang maghikayat na mag-view ng Kapuso shows kapalit ang ibibigay na limang libo hanggang sampung libong piso.
Wow, huh!
Agad na itinanggi ni Rams David, president ng Triple A, management team nina Marian at Maine ang mga pekeng account.
Aniya, hindi ito tunay na mga accounts at pawang mamemeke lang!
“Mandarambong” daw ang mga ito, giit pa ni Rams sa poser ni Meng.