PINAIYAK ni Willie Revillame si Cabinet Secretary Karlo Nograles noong nag-guest ito sa programa niyang “Tutok to Win (Wowowin).”
Ipinapanood ni Willie kay Nograles ang videos ng iba’t ibang frontliners na nagsasakripisyong malayo sa kani-kanilang pamilya para protektahan ang sambayanang Pilipino laban sa COVID-19 pandemic.
Heartbreaking ang video ng mga batang paslit na umiiyak, sabik mayakap o malapitan ng kanilang mga magulang na frontliners.
May isang batang binalot pa ng plastic ang buong katawan bago ito niyakap at hinalikan ng kanyang ina na isang nurse.
May isang batang paslit ang umiiyak habang kinakawayan ng kanyang amang pulis sa labas ng kanilang bakuran.
May isang batang nagbigay ng pagkain sa kanyang ina na malayo ang kanilang distansiya.
Touching ‘yung ipinakita ang photos ng mga doktor na namatay dahil sa Covid-19.
Matapos mapanood ang mga video, naging emotional si Karlo. Napaluha siya at halos hindi makapagsalita nang tanungin siya ni Willie kung ano’ng naramdaman niya sa napanood na videos.
“Pinaiyak mo ako. Alam ko, mahirap ang ginagawa ng frontliners. May mga pamilya sila. Naaawa ako sa kanila. Ginagawa namin lahat para labanan ang krisis sa ating bansa,” words to that effect na sabi ni Karlo.
Nakiusap siya sa mga mamamayan na makipagtulungan. Huwag nang maging pasaway. Nangako naman si Willie na handang tumulong sa gobyerno ang kanyang programa para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino.
NASORPRESA
Nasorpresa si Vice President Leni Robredo sa pagpunta ni Enchong Dee sa kanyang opisina. Mag-isa lang ang Kapamilya actor.
Nag-donate si Enchong ng Personal Protective Equipments para sa frontliners at food para sa volunteers.
“Biglang nag-appear sa office ngayong hapon, mag-isa. May dalang mga PPE’s para sa frontliners at pagkain para sa volunteers. Mabuhay ka, Enchong Dee,” ani sa socmed ni VP Leni.
enchong Dee