PATULOY pa rin ang pamimigay ni Maine Mendoza ng isang libong pisong financial assistance sa mga nangangailangan.
More than a month na niyang ginagawa ito since pinairal ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Mula sa kanyang fans ang mga donasyon at sobrang thankful si Maine sa patuloy na pagbibigay ng suporta ng mga ito sa kanyang fund-raising drive.
Pinag-iingat lang niya ang kanyang supporters sa mga gumagamit ng kanyang mukha at pangalan to create fake accounts. Para daw makasiguro, i-check muna ang official FaceBook account ni Maine.
Sa isang interbyu naman kay Sylvia Sanchez, pinuri niya at pinasalamatan si Maine na ipinaglaban nito ang anak niyang si Arjo Atayde. Ani Sylvia, maganda ang career ni Maine at baka maapektuhan sa pag-amin nito sa relasyon nila ni Arjo. Obviously, walang pakialam si Maine sa kung anong iisipin ng iba. Nagpakatotoo lang siya sa sarili at sa nararamdaman niya.
Ayon pa kay Sylvia, mahal na mahal ni Arjo si Maine. Well, worth it naman palang ipaglaban ni Maine si Arjo.
SOSYAL
Sosyal talaga si Heart Evangelista. Imagine, ang pantulog niya ay ang mamahaling Fendi stockings? Sabagay, can afford naman siya.
May katabi pa siyang aso sa kama. Bakit kaya hindi ang husband niyang si Governor Chiz Escudero ang kanyang katabi?
NAG-DONATE
Sino naman kaya ang magkakainterest bilhin ang mga gown nina Judy Ann Santos at Pia Wurtzbach na idinonate nila sa isang fashion shop?
Ang proceeds ay ibabahagi sa frontliners kaugnay ng umiiral na ECQ.
Nag-donate rin si Juday ng ilang clothes, shoes and bags. LV bags and branded shoes naman ang kay Pia.