BY DANTE LAGANA
*
PERFECT timing ngayong panahon lalo na’t na-extend ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang urban farming o urban gardening.
Ilang celebrities na nga ang nahumaling dito at nagsipagtaniman na ng mga gulay at prutas sa kanilang likod-bahay.
Kamakailan lang ay kumalat sa social media ang post ng politician-actor na si Richard Gomez na namimitas ng tanim niyang mga kamatis na kalaunan ay isinama niya sa kanyang nilutong pasta.
O, diba fresh!
Hindi naman nagpahuli ang dati niyang screen partner at jowa na si Dawn Zulueta.
Proud na ibinahagi ng magaling na aktres sa kanyang Instagram recently ang isang picture kung saan background niya ang kanyang mga pananim na sinimulan pa daw niya last year.
Sey ni Dawn sa caption, “Mornings are for… Pajama- Sunbathing and Gardening! I had these #TowerGardens setup on our front yard as early as August 2019… I wanted to try #urbangardening #urbanfarming. Now look I am already able to harvest lettuce, kangkong, basil, & spinach to make fresh salad! #KainPoTayo. Soon hopefully, our okra, eggplants, and arugula will be ready for the picking. Such a blessing!”