PASOK na sa Season 3 ang Enhanced Community Quarantine (ECQ)!
Well, ito ay kung ikukumpara sa isang TV series.
Sa totoo lang, trending last Friday ang hashtag na #ECQSeason3 sa Twitter, huh!
As reported, extended hanggang Mayo 15 ang ECQ sa Metro Manila at ibang probinsiya.
Apektado rito ang NCR kung saan matatagpuan ang lahat ng malalaking TV stations and movie production companies sa bansa.
In short, wala pa ring shootings for TV programs at movies. Marami pa ring manggawa sa TV and film industry ang mananatiling jobless.
May usap nga na ang mga TV networks ay palugi na pati na ang mga artistang sa harap at likod lang ng kamera umaasa ng income.
Siyempre, mixed reactions ang iba’t ibang sectors sa latest announcement na ito ni President Duterte.
Pero ano pa nga ba magagawa natin, diba?
Pumasok na tayo sa tinatawag na “new normal” so, wala tayong choice kundi sumunod.
Mas mabigat nga lang ang haharapin nating lahat once ma-lift sa NCR ang quarantine. Reality just might come but with a big twist!
E, dahil siksik-liglig sa magagandang kuwento ang buhay ng Pinoy dahil na rin sa COVID-19, tiyak babaha ng mga pelikula at TV shows kaugnay nito!
Well, at least, maiba naman.
Nakakasawa na rin kasi ang paulit-ulit na kuwento sa teleseryes na napapanood.
Eye-opener din ang nangyari sa mga writer para mahasa ang creativity nila!