BY REGGEE BONOAN
*
SA Instagram post ni Dimples Romana para sa kaarawan ni Angel last April 23 ay naging emosyonal ito. Nag-post siya ng dalawang litrato na aniya would best describe Angel as a person to her family. Ang ipinost niya ay picture ng anak niyang si Alonzo kasama si Angel.
Aniya, “I remember this first photo very vividly dahil eto ‘yung pumunta ka sa bahay kasi sabi mo, kailangan na namin magdate ng asawa ko kaya ikaw na muna kay Alonzo.”
Pinaulanan ng papuri ni Dimples ang Kaibigan.
“You are always kind to everyone. Hindi ka namimili, Hindi ka nanghuhusga. Ang nakikita nila ngayon ay lahat ng pagtulong mo para sa napakaraming pamilya. Kung nakita nila lahat ng nakita kong ginawa mo sa iba pang tao, mas lalo ka pa nilang mamahalin.”
Wish niya kay Angel, “Sana sa kaarawan mo ngayon, makapagpahinga ka, makatulog ka ng maayos at mahaba, makakain ka ng gusto mo, that you’ll have more years to make more memories with us @neil_arce @laniiliodiaz @boyetahmee , that you’ll be able to help more people and be able to continue shining your light to everyone who needs you.”
Dagdag pa niya, “Thank you for the friendship and for being that person I can call with no hesitation each time my life encounters roadblocks.”