BY RUEL MENDOZA
*
DAHIL hiwalay physically sa kanyang girlfriend na si Melissa Gohing dahil sa Enhanced Community Quarantine (ECQ), binubuhos na lang ni Rocco Nacino ang kanyang paglalambing sa kanyang mga alagang Corgis na sina Valentine, Arrow, at Cloud.
Ani Rocco, ang mga aso daw ang nagpapasaya at naglilibang sa kanya ilang linggo mula nang ipatupad ang ECQ.
Na-realize nga niya na sa sobrang busy niya noon, hindi na niya napansin na nawalan siya ng panahon sa kanyang mga fur babies.
Ngayon ay tine-take advantage ni Rocco ang pagkakataon na maka-bonding ang kanyang mga alaga.
Buong araw nga niya kasama sina Valentine, Arrow at Cloud mula sa paggising niya, pag-wo-workout, at pag-ikot-ikot sa bahay.
Siyempre pa, ibinahagi niya sa mga fans ito. “Sharing my OOTD with my corgis, since I realized during this ECQ that I haven’t really spent enough time with them when I was busy with tapings and shoots. Thank you for always making me smile pups!” post ni Rocco sa IG.