DAHIL sa Enhanced Community Quarantine (ECQ), simple lang ang magiging celebration for Daniel Padilla’s 25th birthday today. Sa bahay lang siya kasama ang kanyang pamilya, mga pinsan at pamangkin.
Babawi na lang daw siya next time, ani Daniel sa interbyu sa kanya ng “Magandang Buhay” via Zoom kamakailan.
Doon niya rin inihayag na at 25 years old, may long-term plan na siya for the future. Kasama rito ang pagpapakasal nila ni Kathryn Bernardo. Ani Daniel, nililigawan pa lang niya si Kathryn ay may wedding plans na siya. More than four years na sila together.
“She makes me a better person,” diin ng binata.
Nagtutulungan daw sila ni Kathryn sa maraming bagay. Very organized person daw si Kathryn. Planado lahat ng mga gagawin.
“Ako naman, I live by the day,” ani Daniel.
Ang sikreto ng matatag nilang relasyon? “We respect each other. Give and take,” sey ni Daniel.
NAGTATAMPO
Hindi pa rin pala lubos na tanggap ng pamilya ni BB Gandanghari (dating Rustom Padilla) ang bago niyang kasarian.
Mag-isang naninirahan si BBG sa Los Angeles, California, USA. Nagtatampo siya sa kanyang pamilya dahil hindi man lamang daw siya naaalalang kumustahin kahit tawag lang sa telepono sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Feeling niya, parang wala siyang kuwentang tao sa sariling pamilya.
KAYA PALA
Sa isang condo unit na pala sa Bonifacio Global City nakatira si Angel Locsin. Same building sila ng fiancé niyang si Neil Arce na may condo-unit din doon. Kaya pala kahit may ECQ ay nagkikita at nagkakasama pa rin sila.