IPINAGTANGGOL ni Aiko Melendez si Marian Rivera sa isang magaling na netizen na namuna sa acting nito.
Nag-monologue kasi si Marian online bilang interpretation niya sa karakter ni Elsa sa “Walang Himala (Gabi ng Himala: Mga Kuwento at Awit).”
Online fundraising show ito para sa displaced workers ng film industry sanhi pa rin ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ani ng netizen, “OA” o overacting ang misis ni Dingdong Dantes sa kanyang monologue.
Binara naman ang netizen ni Aiko Melendez.
Ayon kay Aiko, nagalingan siya sa acting ni Marian. More on internal daw ito at based on emotions ang atake nito. Marami raw siyang mga kaibigang artista, pero hindi niya pinupuri kapag hindi siya talaga nagagalingan.
Nagpasalamat naman si Marian kay Aiko sa pagtatanggol nito at pagpuri sa akting niya.
Wish ni Aiko na magkatrabaho sila ni Marian sa future.
TAKEN NA
May mas bata pa palang mayor kesa sa 30-year-old Pasig City mayor Vico Sotto: Si Bryan Celeste ng Alaminos City, Pangasinan. He is only 23 years old at binata rin.
Taken na nga lang si Mayor Bryan. Two months na niyang karelasyon ang Kapuso talent na si Pauline Mendoza.
Inamin ni Pauline sa GMA Online News ang relasyon nila ni Mayor Bryan. Nagkakilala sila through common friends.
Si Pauline ay ex-girlfriend ni Jeric Gonzales.
HOLLYWOOD NA!
Registered nurse ang former actress na si Princess Punzalan at nagtrabaho siya sa isang hospital sa Los Angeles, California, USA.
Huminto muna siya sa work para makapagfocus sa pag-aalaga ng only daughter nila ng American husband niya.
Kung hindi huminto sa trabaho si Princess, malamang kabilang siya sa frontliners na nagaalaga sa COVID-19 patients sa US.
Binalikan ni Princess ang acting career at may manager na siya roon. Isang Hollywood movie ang nakatakda niyang gawin,hopefully a er ng COVID-19 pandemic.