BY RUEL MENDOZA
*
NAKATIKIM ng matinding pamba-bash sa social media ang One Up member na si Nikki Co dahil sa improper use daw nito ng PPE o personal protective equipment.
Sa post ni Nikki sa Instagram at Twitter, nakabukas ang front zipper ng suot nitong body suit hanggang baywang niya. At dahil wala siyang suot sa ilalim ng body suit, makikita ang chest at abs nito.
Nilagyan pa niya ito ng caption na: “fitting my PPE.”
Karamihan ng mga post ni Nikki na photos ay topless ito sa gym, sa beach at kahit sa bahay nila.
Binash siya ng netizens at tinawag siyang “insensitive” at “thirst trap” dahil ginagamit niya inappropriately ang PPE para sa kanyang sexy photos.
Dapat daw ay ginagamit ito sa tama at para lang sa mga frontliner tulad ng health workers sa ospital ang PPE at hindi ginagamit sa anumang pictorial na ipo-post sa social media.
Nag-apologize naman agad si Nikki sa kanyang post.
“It was never my intention to affect you people negatively. Sorry kung yun yung naparating ng post ko.”
Dagdag pa niya, “Also, I need the PPE too: to protect myself and di mahawa pag pumupunta kami ng hospital for regular check-ups ng mom ko. Again, sorry for showing insensitivity.”
Na-delete na ang photo na iyon ni Nikki sa kanyang mga social media account.