BY RUEL MENDOZA
*
NADAWIT sa fake news kamakailan si BB Gandanghari: natagpuan daw itong patay sa kanyang apartment sa Los Angeles, California. Ginamit pa ang logo ng GMA News at sinama pa ang photo ng “24 Oras” anchor Vicky Morales para palabasin na legit ang fake news na ito.
Sa pamamagitan ng Instagram Live, pinatunayan ni BB mismo na buhay na buhay siya.
Aniya, “I’m okay… in the grace of our Lord.”
Pero may dagdag pa rito si BB. Nalungkot daw siya na wala man lang ni isa sa pamilya niya ang nagtangkang kamustahin siya. Mabuti pa nga raw ang mga fans na kahit hindi niya kadugo ay kinumusta ang kalagayan niya.
“Aren’t these the reasons why you call family abroad? To make sure (they’re okay?) Yun ang naapektuhan ako. Hindi ako nagdadrama, pero sinasabi ko, merong automatic effect yun. ‘Diba mapapaisip ka…‘Wow, naibalita na akong patay, walang DM.’ Paano nga? What if ?”
Feeling ni BB, kung may nangyari ngang masama sa kanya, dedma lang ang kanyang pamilya.
“I’m not saying they have to care. This is coming from my perspective. Coming from a person na ang akala niya meron siyang pinanggalingan. Hindi ko na nga sinasabing pamilya, eh. Pinanggalingan na lang.”