MAY online concert din si Sharon Cuneta. Gaganapin daw ito sa May 10 sakto sa Mother’s Day. Sana matuloy.
Kung sabagay, ito na nga yata ang “new normal.”
Nag-online concert si Regine Velasquez kamakailan as part of her birthday celebration.
Fundraiser din ito at nakalikom nga siya ng ₱4.2 million para sa Bantay Bata Foundation.
Isa si Sharon sa mga nag-donate. ₱1 million ang binigay niya.
Samantala, nagcelebrate si Sharon aat asawang si Senator Kiko Pangilinan ng kanilang 24th wedding anniversary kahapon lang.
Naglambing si Sen. Kiko sa kanyang wifey na ipagluto siya ng specialty nito na meatloaf. Siyempre pa, pinagbigyan naman ito ni Sharon.
Wedding anniversary din nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos, Ormoc Mayor Richard Gomez at Rep. Lucy Torres the same day.
THOUGHTFUL
Ang thoughtful naman ni Roderick Paulate. Parating nangungumusta ng kalagayan namin at iba pa niyang pressfriends ngayong may lockdown.
May dalawang pelikulang nakatakdang gawin si Dick ngayong 2020. Sisimulan na nga sana ang shooting nung isang movie. Sana matuloy pa rin ito matapos ang enhanced community quarantine. Anyway, may offer din kay Dick na bagong TV show. Bongga!