KUMPIRMADO ang tsismis. Rekta nang inamin ni Ellen Adarna na, indeed, co-parenting na lang ang sitwasyon nila ni John Lloyd Cruz.
Nilinaw ito ng dating model-actress sa isang fan na nagtanong kung bakit na kay John Lloyd ang anak sa kasagsagan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Naisapubliko kasi ito sa Instagram kamakailan, sa gitna ng usap ni JLC at Bea Alonzo.
Paglilinaw ni Ellen, “He stays with me. He sleeps over his dad’s place twice a week because we co-parent.”
Matagal nang napabalita ang hiwalayan ng dalawa pero parehong tahimik ang mga ito sa isyu.
Ilang araw ang nakalipas, umamin si Ellen na may bago na siyang dine-date although long distance nga daw ang relationship dahil foreigner ito.
Anyway, sa usap nina JLC at Bea, nasabi ng aktor na pinakamasaya siya kapag kasama niya si Elias. Pero nalulungkot at natatakot siya for his son. Natatakot siya kung paano niya ito palalakihin sa ganitong estado ng mundo. Pero, yun nga, wala siyang choice.
NEW LOOK
Kakaiba sa nakasanayan ang hitsura ngayon ni Derek Ramsay.
May buhok ito na sa tingin naman namin e bagay sa kanya.
Plus pogi points at appeal sa hunk actor na for sure, mas lalong ma-i-in love sa kanya si Andrea Torres.
Sarado ang mga barber shop ngayong may ECQ, kaya no choice si Derek kundi pahabain ang buhok.