BY RUEL MENDOZA
*
NAKAHANAP na ng Hollywood agent at manager ang aktres na si Princess Punzalan.
Binalita ni Princess na may sisimulan na siyang bagong pelikula na may titulong “The Interview” kunsaan gaganap siya bilang immigration officer.
Inamin ni Princess na mahirap daw ang mag-pursue ng trabaho sa Hollywood kung wala kang magaling na agent at manager. Nagpapasalamat ito na nakahanap siya.
Huling napanood si Princess sa 2019 independent film na “Yellow Rose” kunsaan nakasama niya ang dalawang naging Kim sa “Miss Saigon” na sina Lea Salonga at Eva Noblezada.
Bukod sa pag-aartista, isa ring registered nurse si Princess sa California at abilang siya sa frontliners na lumalaban sa COVID-19 pandemic doon.
Nag-settle sa California si Princess noong 2005 pagkatapos siyang magpakasal sa American na si Jason Field. Meron silang isang anak na babae named Ellie.