NAGTANIM ng tinatawag na Dita tree si Ormoc City Mayor Richard Gomez to commemorate his and wife, Congresswoman Lucy Torres-Gomez’s 22nd wedding anniversary, recently.
Pinakita niya ito sa mga tagasubaybay sa Instagram.
Naging witness sa tree-planting ang unica hija nilang si Julianna.
“Today (April 28), we marked our 22nd anniversary by planting a beautiful Dita tree. It is an evergreen, just like my love for you @lucytgomez. Thank you for being my guiding light,” caption ni Goma sa litrato.
May pakilig man sa fans ay hindi nagpapabaya si Richard pagdating sa kanyang mga constituents sa Ormoc City, huh!
Patuloy ang paninilbihan nito sa mga kababayan sa gitna ng Enhanced Community Quarantine.
Kamakailan nga ay namahagi ito ng tag-isang sakong bigas sa kada bahay na nasasakupan bilang tulong.
MULING NAGPAKAIN
Nagluto muli ng pagkain para sa frontliners si Marian Rivera.
Packed spaghetti meals naman ang ginawa ni Yan.
Sey ng bida ng upcoming series na “First Yaya,” “Another special day in the kitchen as I prepare some snacks for our frontliners at the UP NIH and National Center for Mental Health.
“Hope you enjoy this meal I made for you. Stay strong and healthy. Maraming salamat sa inyo!”