EIGHTH year na as sweethearts sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo on May 25.
Siyempre pa masaya dito si Daniel. Thankful daw siya na si Kathryn ang kanyang girlfriend dahil she makes him a better person.
Ayon naman kay Kathryn, sobrang suwerte siya na si Daniel ang boyfriend niya.
Nainterbyu ang dalawa sa “Magandang Buhay” via zoom at doon binanggit nila ang pangarap na beach wedding. Parehas daw kasi silang beach lovers.
Ang gusto nilang makasama sa kanilang wedding day ay ang mga taong naging bahagi ng kanilang relasyon.
Inamin nila na hindi naman sila kaiba sa ibang tao na nagmamahalan. Anila, nag-aaway din sila paminsan-minsan.
Pero less na daw ngayon. Mas madalas daw noong bago pa lang ang kanilang relasyon. Seloso kasi si Daniel na aniya, naoospital pa ito dahil sa sobrang selos. Nagkakaroon siya ng anxiety attack. Nawawala siya sa wisyo kapag magkaaway sila ni Kathryn. Torture daw yun kay Daniel.
Ayon naman kay Kathryn, mabigat sa dibdib kapag magkaaway sila ni Daniel.
Through the years, natuto na silang mag-compromise sa isa’t isa. Suportahan sila sa kanilang relasyon at trabaho.
‘AMAZING’
Ito ang description ni Matteo Guidicelli sa married life nila ni Sarah Geronimo.
Magti-three months na silang kasal at ayon sa interbyu kay Matteo sa isang socmed site, nasa honeymoon stage pa rin sila ni Sarah.
Blessing in disguise nga daw ang Enhanced Community Quarantine dahil extended honeymoon sila.
Amazing daw matulog at gumising na katabi ang taong pinakamamahal mo.