BY REGGEE BONOAN
*
BABALIK na ang Queen of Social Media na si Kris Aquino sa live online show.
Simula kasi ng Enhanced Community Quarantine ay puro replays ang mga napapanood sa telebisyon kaya ang mga netizens na din ang nag-request na sana i-replay ang dating morning show ni Kris na “KrisTV.”
Nakarating kay Kris ang requests kaya naman nangako ang TV host na muli siyang mapapanood uli ng publiko.
Sa online live show, mamimigay daw si Kris ng pera at iba pang regalo tulad ng nakagawian niya.
Gagawing regular na rin ni Kris ang pagpo-post ng kanyang vlogs na pansamantalang nahinto dahil sa COVID-19.
Aniya, “It feels wonderful to have been missed. For my online family, we’re going back to what made you enjoy watching me, whether on digital or when I was still on network TV–cooking easy but yummy recipes and showcasing the beauty of the Philippines.
“Please give Cornerstone (her management team) and me the chance to fix logistics because kung miss n’yo ‘ko, I felt incomplete not being able to connect with all of you.”
Isa raw ito sa paraan ni Kris sa pagtulong sa mga nawalan ng trabaho dahil sa lockdown.
“Alam ko rin through the years, that you appreciate gestures of sharing blessings and my heart breaks for all the daily wage earners kaya when I start doing my live online show, gagawan ko ng paraan na makapagbigay ng cash gifts habang patuloy ang laban natin,” pahayag pa ni Kris.
As of this writing ay nasa Puerto Galera pa rin si Kris kasama ang mga anak na sina Joshua at Bimby dahil doon sila inabutan ng lockdown.