ISANG netizen ang nang-okray kay Jericho Rosales. Matanda na pero feeling bata pa rin daw ito.
Sa halip na pumatol, tinawanan lang ito ng 40-year-old actor sabay sabi, “Matanda 200 years old. Hehe, marami –rami pa naman akong asim. Lalo na after mag-gym.”
May online show si Jericho na “Gabi Na Naman with Jericho.” Napapanood ito sa kanyang official FB page every Saturday.
Mga patawang videos ang laman nito kung saan makikitang umaakting, kumakanta at nagsasayaw si Jericho.
Paraan niya raw ito upang mabigyan kasiyahan ang mga taong bored na sa kanilang mga tahanan dahil sa pinapairal na Enhanced Community Quarantine (ECQ).
DELIKADO
Delikado pala ang unang buwan ng pagbubuntis ni Coleen Garcia kaya hindi muna nila ini-announce ng husband niyang si Billy Crawford sa madlang pipol. January nila ito nalaman at mga close friends lang nila ang sinabihan nila.
Wish lang ni Billy na makita pa ng kanyang Daddy ang magiging apo nito.
Sa US naka-base ang Daddy at Mommy ni Billy. May sakit ang kanyang Daddy at nagde-deteriorate na ang kalagayan nito.
Mabuti nga raw at naabutan pa nito ang kasal nila ni Coleen in 2018.
Due to give birth in September si Coleen.
MIRACLE
Miracle at answered prayer ang pagbubuntis ni Assunta de Rossi.
She’s 37 years old at dasal niyang magka-baby bago siya mag-forty.
Nag-a-apply naman si Alessandra de Rossi na maging yaya ng kanyang magiging pamangkin. Magaling daw siyang mag-alaga ng bata.