TATLONG buwan nang buntis ang aktres na si Assunta de Rossi, sister ni Alessandra de Rossi.
Ang magandang balita ay inanunsyo ni Assunta mismo sa kanyang Instagram nitong nakaraang mga araw.
Milagro para sa kanya ang mabuntis.
Lingid sa kaalaman ng lahat, may mga iniinda si Assunta, dahilan nga upang mahirapan itong magbuntis.
Paliwanag ng maganda at sexy pa ring si Assunta, “Getting pregnant the natural way with myoma and endometriosis (which I both have) is extremely difficult.
“Only medical intervention or a miracle can make it happen. This was a miracle.”
Dagdag ng aktres, marami siyang nararamdamang kakaiba bago niya nakumpirma ang pagbubuntis.
Ayon pa sa aktres, nitong nakaraang dalawang buwan lang ay nakaramdam siya ng, “fatigue, nausea, tender swollen breasts, food aversions, constipation, dizziness, heart burns.”
Marami ang natuwa sa balita ni Assunta, huh!
Kabilang na nga dito ang ilang kaibigan sa showbiz, katulad nina Pauleen Luna-Sotto, Ramon “Bong” Revilla Jr. at Kris Bernal.
Matagal-tagal din ang paghihintay ni Assunta sa blessing na ito.
Taong 2004 nang ikasal si Assunta kay Negros Occidental congressman na si Jules Ledesma.
Akala nga nang marami ay hindi na ito mabubuntis lalo na at hindi naman ito bumabata. Pero ‘yun nga at nakaisa din, sa wakas.