NA-“ADIK” na rin manood ng K-drama si Lorna Tolentino. Ito ay dahil na rin sa patuloy na pag stay at home dahil sa Enahnced Community Quarantine (ECQ).
Isa pang madalas gawin ni LT ay ang mag-sunbathing. Naniniwala ang aktres na mainam na paraan ito para makakuha ng Vitamin D. Nagwo-workout din siya.
Mas madalas nakikipagbonding siya sa mga anak na sina Ralph at Renz at sa kanyang mga apo.
Sa interbyu ng “Showbiz Talk Ganern” sa DZRH, nabanggit din ni LT na onhold ang construction ng bahay niya sa White Plains sa ngayon.
Dapat sana’y hahatiin ‘yun sa kanilang tatlo nina Ralph at Renz. Saka na lang daw nila itutuloy ang plano.
Kapag na-lift na ang ECQ, gustong puntahan ni LT ang 3-hectare farm niya sa Cavite. Mga gulay at fruit-bearing trees na mostly ay dragon fruits ang tanim.
Ani LT, pampamilya at pamigay lang niya sa mga kaibigan ang mga bunga ng tanim doon.
Nalungkot si LT sa pagsasara ng ABS-CBN, pero umaasa siyang mabibigyan ito ng solusyon.
BABAWI
Dahil hindi nakapunta sa birthday ng irog na si Andrea Torres, nagpadala na lang si Derek Ramsay ng jelly cake with matching flowers.
Gumawa rin si Derek ng compilation ng video greetings ng mga taong malalapit kay Andrea.
Ani Derek , gusto sana niyang puntahan si Andrea para halikan at yakapin. Babawi na lang daw siya kapag wala na ang ECQ.
PARA-PARAAN
Ibahin si Edgar Allan Guzman. Namahagi ito ng food sa mga checkpoints para lang makapiling si Shaira Diaz sa birthday celebration nito. Para-paraan lang talaga.