INALALA ng ilang mga bigatin sa industriya ang namayapang direktor na si Peque Gallaga.
Sumakabilang buhay ang direktor, aktor at propesor sa edad na 76 nitong nakaraang mga araw sa hometown niya sa Bacolod City.
Una na rito si Ai Ai de las Alas. Ani ng aktres sa Instagram, “Halos lahat ng ‘Shake, Rattle and Roll’ ay kasama ako dahil gusto mo ako kasama. Direk, maraming salamat sa iyong napakaganda at napakahusay na kontribusyon sa sining ng pelikulang Pilipino. Paalam po Direk Peque Gallaga…May you rest in peace.”
“Best teacher” naman ang tingin ni Solenn Heussaff sa pumanaw na direktor na nakatrabaho niya sa pelikulang “Obssession” under Regal.
“You literally moved my scenes with music and taught me to be simple in a loud way,” bahagi ng post ni Solenn.
Isa rin sa nagluluksa si Senator Bong Revilla, Jr. na dinirek ni Peque sa “Dugo ng Panday.”
“He had an eye for the art like no other. The grandness of his vision and his designs which only he can successfully translate into film made him a legend in his craft. Ang puwang na kanyang iniwan ay mahirap mapunuan ninuman,” ani ng senador.
Dagdag ni Anne Curtis na nakatrabaho si Peque sa “Magic Kingdom,” “Direk Peque, thank you for giving me a role that would change my life forever. I will miss you and will treasure the memories and lessons you taught me in the craft of acting. Rest In Peace. I love you. My deepest condolences to the Gallaga Family.”
Ang singer-actress na si Zsa Zsa Padilla ay nag-post pa ng litrato nilang dalawa ni Peque na kuha behind the scenes sa kanilang pelikulang “Hiwaga sa Balete Drive.”
Aniya, “Took his photo while he was giving me instructions for one scene. Maraming salamat, Peque Gallaga.”
Si John Arcilla nagsabi ng, “Another pillar of the Philippine film industry [has] left us. Let’s pray for his soul. May this moment of grief give us more strength to get inspired asserting our arts and freedom of expressions.”
Ikinalungkot din ng mga direktor na sina Joey Reyes at Manny Castaneda, kasama ang manunulat na si Lualhati Bautista ang pagpanaw ni Peque.
Ang aming pakikiramay sa mga naiwan ng direktor.