BY DELIA CUARESMA
*
MARAMI ang natuwa nang magbigay ng ayuda ang aktor na si JM de Guzman sa mga naapektuhan ng enhanced community lockdown bunsod ng COVID-19 pandemic sa Rodriguez.
Ibinahagi ni JM sa Instagram nitong Huwebes ang ilang litrato kung saan makikitang namamahagi siya ng bigas at itlog sa dalawang barangay doon.
Kwento niya sa caption, “Dalawang barangay po sa Rodriguez ang ating natulungan, isa duon ay ang mga PWD.”
Pinasalamatan niya ang mga tumulong sa adhikain gamit din ang hashtag na #labankapamilya na may mga pusong kulay ng logo ng ABS-CBN.
Abot langit ang tuwa ng mga fans sa ginawa ni JM.
Ani ng isa, “Nakakaproud ka1 God Bless You!”
“Bait naman ni crush,” dagdag ng isa pa.
“Yan ang idol,” hirit ng isa pang fan.
Mabuhay ka JM!