BY REGGEE BONOAN
*
KAHIT wala na sa ABS-CBN, napamura pa rin si Rayver Cruz sa pagsasara nito noong isang linggo.
Hindi lingid sa lahat na naging Kapamilya si Rayver sa loob ng 18 taon.
Dalawang taon na ang nakararaan nang lisanin ni Rayver ang ABS-CBN at bumalik sa GMA 7 kung saan siya unang napanood sa tele-magazine show na “5 and Up.”
Kuwento ni Rayver, “Grabe sila talaga (NTC)! Sad ako kasi 18 yrs tayo sa kanila, sobra naman ginawa nila.”
Inamin niyang malaki ang nagawa na tulong ng ABS-CBN sa buhay niya, lalo’t naging parte siya ng Star Magic.
Marami din naging projects si Rayver sa Dos, pero dahil siguro sa rami na rin ng artistang bago ay bihira ng magkaroon siya ng regular show.
Masama ang loob ng aktor nang magpaalam siya sa Star Magic head na sina Johnny Manahan at Mariole Alberto, at sa mga handler at kapwa artistang nakasama niya ng matagal.
Hindi na bumabata si Rayver at kailangan niyang ayusin ang future niya at dahil maganda ang offer ng GMA, tinanggap niya ito agad.
Pero hindi niya malilimutan ang Kapamilya Network na naging bahay niya sa loob ng 18 years.
“Kahit Kapuso na ako, hindi pa rin mawawala na minsa’y naging Kapamilya ako,” diin ng aktor.
Samantala, tila hindi alam ni Rayver ang isasagot ng hingan namin ng reaksyon sa sinabi ng Mamita Pilita Corrales ni Janine Gutierrez na boto siya dito.
“Ano po ba ng isasagot ko? Masaya ako, ha-ha?” sagot ng aktor.