ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
* * *
Hi Alex,
Nagsara ang ABS-CBN dahil sa utos ng NTC at napanuod ko ang last airing. Nakakaiyak. Mas lalo akong naiyak dahil nakita ko ang nanay ko na masamang-masama ang loob. Dun ko lang nalaman na ganun pala katindi ang epekto ng ABS-CBN shutdown sa mga tao. Wala na akong pakialam sa mga batas o anong issue ng gobyerno sa ABS-CBN pero ‘yung impact sa tao. Nang pinalabas naman sa online ang TV Patrol, ang dami rin nanunuod. Napanuod ko sa TV Patrol ang iba’t-ibang ginawa ng mga tao nang mag-shutdown ang ABS-CBN. May isa, nagpatattoo sa mukha ng lahat ng programa ng ABS-CBN. May iba naman, nag-iyakan at naglabas ng video para sabihin ang sama ng loob nila. Pero ang karamihan, nagtapon ng TV set dahil ayaw na daw nila manuod ng TV! Ikaw Tito Alex, alam kong nagtratrabaho ka sa ABS-CBN, ano ang naging reaksyon mo?
Tippy ng Quezon City
Hi Tippy,
Naku, syempre masama ang loob ko dahil marami akong mga kaibigang nawalan ng trabaho. OK lang kaming mga artista kasi may naipon kaming konting pera, ang problema eh ang mga maliliit na manggagawa. Ang reaction ko nang nag-shutdown, binato ko rin ang TV! Kaya lang nagalit sa akin ang kapitbahay namin kasi nakikinuod lang ako, ‘yung TV nila ang nabato ko! Ayun, shutdown ako sa kanila!
* * *
Hi Alex,
Ang daming mga bashers at trolls sa social media lalo na sa FB. Nakita ko ‘yung post ni Coco Martin at talaga namang pinutakti siya ng mga trolls at bashers. Sobrang dami nila at talagang masisipag. Hindi ko na tuloy malaman kung sino ang may totoong reaksyon at sino ang mga trolls at bashers! Paano ba malalaman Tito Alex?
Aldo ng Pasay City
Hi Aldo,
Madali lang malaman! Kapag ang profile nila ay kakagawa lang ngayong buwan, cartoons, o anime ang profile pic at manager ng Krusty Krab o graduate sa Eh Di sa Puso Mo! Ayan mga troll at basher ‘yan! Saka kapag nagcomment ‘yan, pareho-pareho at iisa, at laging may CTTO or credit to the owner!
* * *
Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected] or facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007.