KILIG much si Andrea Torres sa sinabi ng boyfriend niyang si Derek Ramsay na 100% sure na ito na siya na ang babaeng pakakasalan.
Sa interbyu kay Andrea ng “Showbiz Talk Ganern,” sinabi niyang ganoon din siya kadesididong makasama for the rest of her life si Derek.
Magaan daw ang kanilang relasyon. Nagustuhan niya sa kanyang BF ang pagiging simpleng tao nito, family-oriented, very appreciative sa mga bagay-bagay. Ani Andrea, parehas sila ni Derek.
No problem siya sa 16-year-old son ni Derek na si Austin dahil magkasundo sila, ayon kay Andrea.
NAUDLOT
Speaking of Derek, kung wala lang Enhanced Community Quarantine (ECQ), dapat nakalipat na ito sa bagong house niya sa Alabang.
Ayaw mag-assume ni Andrea na siya na ang magiging reyna ng tahanan ni Derek.
Nakapunta na siya sa resthouse ng mga Ramsay sa Tagaytay.
Kapag wala nang ECQ, isasama naman siya ni Derek sa resthouse nito sa San Vicente, Palawan.
MAMUMUDMOD
Hindi kaya dumami ang die-hard fans ni Coco Martin at magbasag din ito ng kanilang mga TV sets?
Ito ay dahil after makita sa social media ang ilang tao na nagbasag ng kanilang TV sets matapos ipasara ang ABS-CBN, pinangakuan kaagad ito ni Coco na kapag nabalik ang Kapamilya Network sa ere, papalitan niya ito ng bago at mas malaking TV sets.
Bibigyan din niya ng motorsiklo ‘yung isang fan na diehard supporter ng kanyang home network.