ITO, ani Julia Barretto ang estado ng kanyang puso sa ngayon.
Isiniwalat niya ito sa isang panayam. Single man siya o hindi, ayaw niyang sabihin. Bahala na raw mag-isip ang madlang pipol tungkol dito.
Bilang paliwanag, sinabi ni Julia na this time, gusto niyang protektahan kung ano man ang estado ng kanyang love life.
Sa parehong panayam, binanggit ni Julia ang mga katangian ng lalaking nagpapasaya ng puso niya.
Aniya, someone intelligent, good conversationalist, gentleman, maaasahan, naiintindihan siya at always there for her.
Sino kaya ang mystery guy na nagpapasaya ng puso ni Julia? Alam kaya ito ni Gerald Anderson?
MUNTIK NA
Muntik na palang ihinto ni Willie Revillame ang “Wowowin” dahil aniya, umabot sa puntong P14-million a month ang nagagastos niya sa pagpoproduce nito pero wala namang bumabalik.
Ito daw ay noong unang taon ng “WWW” sa GMA7. Nag-umpisa ito sa once a week airing na although nagre-rate naman, walang pumapasok na sponsors.
Kinausap niya ang GMA management at sinabing hindi na niya kayang ipagpatuloy ang “WWW.” Mabuti na lamang at napagdesisyunan ng GMA na hati na lang sila sa gastos sa show.
Now, “WWW” is already celebrating its 5th anniversary.
Kahit may Enhanced Community Quarantine (ECQ), tuloy pa rin ang paghatid saya ng show sa milyon-milyon nating kababayan.
At may biyaya pa din. Sa “Tutok to Win” segment ng show ay namimigay si Willie ng tig-P10,000 to P50,000 sa mga maswerteng viewers.
ININTRIGA
Inintriga ang online fundraising concert ni Sharon Cuneta.
Mas kumita raw ang parehong concert ni Regine na nakalikom ng more than P3-M, samantalang more than P2-million lang ang kay Sharon.
Ang hindi alam ng iba nag-donate si Sharon ng P1-million sa show ni Regine. So, kung susumahin, pantay lang ang kita ng mga ito.