BY REGGEE BONOAN
*
MATAGUMPAY ang pagbabalik ni Kris Aquino sa online world.
Ginanap ito Sabado ng gabi, bisperas ng Mother’s Day at talagang maraming naka-miss sa kanya dahil umabot sa 68.5k comments, 70k likes at 756 views ang show.
Masaya si Kris siyempre. Aniya, “I‘ve missed you…BUT na feel ko special occasion ako dapat maki-connect ulit. SUPER SPECIAL ang araw na pinagdiriwang nating lahat ang mga ina, nanay, mommy, mothers and mamas..”
Umabot sa mahigit isang oras at kalahati ang show ni Kris na kasalukuyang nasa Puerto Galera pa rin kasama ang kanyang dalawang anak na sina Joshua at Bimby.
Sabi nga ni Kris, “mag-two months na pala kami dito sa May 12, I’m so happy, nagustuhan ko na ang buhay probinsya kasi simple lang.”
Pero umaapela ang bunso niyang si Bimby na gusting-gusto nang bumalik ng Maynila.
“Sabi ko nga kay Bimb, malakas naman ang internet, okay na,” sabi pa.
Hanggang sa na-off-the-air si Kris dahil nawalan daw ng kuryente at generator ang ginamit sa resort.
“Hayan, sabi ni Bimb, nawawalan daw ng kuryente, gusto ko pa rin ba rito?”
Anyway, guests ni Kris sina Empoy Marquez na napaamin niya na crush sina Kaye Abad at Erich Gonzales.
Kikay tsikahan naman ang naganap kina Kris, Jaya at K Brosas. Samantala, namigay naman si Kris ng tig-₱5,000 each sa sampung nanay for the occasion na ipapadala daw niya sa kinauukulan via money remittance.