KARGA-KARGA pa rin ng TV plus ang DZMM Teleradyo.
Yes, wala mang Channel 2, sports channel at iba pa sa TV plus, at least, napapanood pa naman ang ibang channels ng ABS-CBN sa digital box nila, huh!
As of this writing, may live coverage ang DZMM Teleradyo sa session ng Kongreso at isa sa mga tinatalakay ay ang ABS-CBN franchise.
Ayon kay Speaker Allan Peter Cayetano walang binubusalang freedom of the press sa issue.
Nanawagan siya sa ABS-CBN celebrities na may grave issues hinggil sa pagsasara ng network na public interest ang sangkot sa issue at hindi lang ang interes nila!
Pero giit niya, mali na ipasara ang ABS-CBN sa panahon ng COVID-19 pandemic.
Sa dulo, binigyan ng provisional franchise ang ABS-CBN hanggang Oct. 31.
Okay na kaya ito o may papalag pa? Ano ang proseso sa pagpapatupad nito? Ano ang sey ni Solgen Calida?
Well, gaya ng mga paborito nating serye sa TV, abangan natin ang mga susunod na kaganapan sa season 2 ng serye ng tunay na buhay ang, “Franchiserye!”