ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
*
Hi Alex,
Extended na naman ang quarantine at ngayon ang tawag na eh MECQ. Sa totoo lang eh parang hindi ko na kaya. Ang problema ko eh ang mental health. Parang hindi ko na kaya. Nagkakaroon na ako ng anxiety at talaga nadedepressed na ako sa mga balita. May nagsasabi na baka cabin fever na ang nararanasan ko. Kapag nanunuod ako ng balita, ninenerbyos ako. Kapag may nakikita akong tao sa labas na walang mask, ninenerbyos ako. Kapag may nabasa ako sa social media eh natataranta ako. Hindi na ako makatulog at hindi masyadong makakain. Ano ba ang gagawin ko Tito Alex?
Carlito ng Makati
Hi Carlito,
Ang mental health problem ay hindi biro. Pero puwede akong magsalita diyan dahil ako ay may clinical depression at anxiety. Nararanasan ko rin ngayon ‘yan at malamang, maraming tao ang nakakaranas niyan. Ang masasabi ko lang sa ‘yo ay bawasan mo ang panunuod ng TV. Kung manunuod ka, manuod ka ng mga palabas na nakakatawa, iwasan mo muna ang news. ‘Wag kang manuod sa Netflix ng mga pelikulang ang title eh “Pandemic,” “Contagion,” at mga palabas tungkol sa mga nakakahawang sakit. Iwasan mo rin ang mga zombie movies! Sa social media, magpahinga ka kahit ilang oras. Sobra ang stress sa social media, nagkalat ang mga trolls at bashers! Kung may asawa ka, iwasan mo muna si misis! Kasi ang misis ko ang nagdadala ng stress sa akin! Spread the laughter not the virus. Manuod ka ng mga nakakatawa. Laughter is still the best medicine!
*
Hi Alex,
Ang daming facial mask na binibenta ngayon. Iba-iba ang itsura. Yung iba, ginagawang pang-porma. Hindi ko na malaman kung ano ang bibilhin. Ano ba ang mas effective na facial mask, ‘yung mura o yung mas mahal?
Melinda ng Quiapo
Hi Melinda,
Wala sa presyo ng facial mask ang epekto nito sa pag-iwas sa COVID-19. Ang virus ay hindi namimili ng mahahawaan, mahal ma o mura ang binili mo! At lalong hindi iiwasan ng virus kung maganda ang porma ng facial mask mo. Ang ganda nga ng porma pero napapasok naman pala ng virus, eh wala ring saysay! Maganda nga ang porma mo pero patay ka na! Susunugin kasama ang napakagadang mask mo kasama ang katawan mo! ‘Wag kang lumabas ng bahay, suotin ang mask ng maayos, at maging malusog sa pangangatawan!
*
Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected] or facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007.