Mukhang idolo ng baguhang teenstar na si Chrisine Lim si Angel Locsin dahil sa edad niyang 18 ay kaliwa’t kanan na ang pagtulong niya sa mga nangangailangan ngayong panahon ng krisis dahil sa COVID-19.
Ang sariling ipon na umabot sa 200,000 piso ay ginamit niya pambili ng food packs at PPEs para sa frontliners sa bayan nila sa Tarlac sa isang effort na tinawag niyang #Lingap-BAYANi.
Bukod dito ay may pa-tent din si Christine na tinawag niyang TENTative Home sa Ospital Ning Capas kung saan kasya ang 20 beds.
At siyempre hindi rin naman nakalimutan ni Christine ang mga batang nangangailangan ng gatas.
Umabot sa 7,500 boxes ng powdered milk ang natanggap ng dalaga mula sa mga donasyon at binigyan niya ng tig-2 boxes ng gatas ang bawat pamilyang may mga batang anak na 1-3 year olds sa Capas, Tarlac.
Ang paliwanag ng dalaga sa advocacy niyang ito, “I was inspired by our frontliners, healthworkers, and public servants. And of course, my goal is to become a proactive member of my society. If we have the means to help, help. If we have the chance to inspire others, inspire.”
Samantala, umaasa ang batang aktres na magsisimula na sila ng taping para sa TV series nilang “My Extra Ordinary” na ieere sa TV5 as produced by AsterisK Digital Entertainment. (Reggee Bonoan)