BY RUEL MENDOZA
*
HINDI napigilan ni Heart Evangelista-Escudero na maging emosyonal sa pagkamatay ng kanyang Maltese pet dog na si Casper.
Noong nakaraang May 9 pumanaw ang fur baby ni Heart na labis na ikinalungkot niya.
Matatandaan na si Casper ang nawalang aso ni Heart last year lang.
Nag-tweet pa siya para humingi ng tulong sa mga followers niya na nakatira sa New Manila kunsaan nagpagala-gala si Casper. Pagkatapos ng ilang oras ay nahanap din nila ito.
“My dearest Casper, there are no words to explain the deep loss and pain that I feel right now. You were a bundle of joy— the kindest dog I have ever met. There was not a single bad bone in you. All you did was bring our family happiness. We have made memories together that I will carry with me for my whole life. You were an angel on Earth and now you are an angel in heaven. I will miss you more than you will ever know and I will love you forever. Till we meet again, my angel,” mensahe ni Heart sa alagang aso na ibinahagi niya sa fans via social media.
Pinost pa ni Heart sa IG ang isang painting ni Casper na gawa niya.
Ito ang ikalawang inaalagaan na aso ni Heart.
Noong April 21 lang, pumanaw ang foster puppy niya na si Linda.