INILABAS ni Maine Mendoza ang update sa ginawang DoNation Drive kamakailan sa kanyang Twitter.
Ayon sa tweet ni Meng, “As of May 14, we have accumulated a total of ₱1,003,894 and sent financial assistance to 1,0003 households.”
Di biro ang perang nalikom ni Maine, huh!
At nakakatuwa na very transparent ang sweetheart ni Arjo Atayde sa donasyon na natanggap niya.
Detalyado ang report dahil kalakip ng tweet ni Maine ang tweet pic naman ng listahan ng mga natulungan niya, pati na rin ang mga trabaho nito at mga contact numbers, huh!
Dahil dito, tiyak na walang maisusumbat sa kanya ang mga bashers na mahilig mamuna ng gawain ng iba.
Siyempre pa, lubos ang pasasalamat ni Menggay sa mga mababait na taong tumulong at nag-donate sa kawanggawa niya.
Buong giliw niyang sabi, “THANK YOU VERY MUCH for the support and donations!
“Nakakatuwa na marami tayong natulungan na pamilya sa hirap ng panahon. Maraming salamat po!” In fairness, walang epal na kumwestyon sa report ni Meng.
Obvious na tiwala sila sa veracity nito.
Di gaya kay Sharon Cuneta.
Nang i-post ni Mega ang nalikom na pera sa online fundraising concert niya, isang mahaderang netizen ang umepal at inakusahan si Shawie na sa bulsa lang daw nito mapupunta ang datung na nalikom.
The nerve, huh! Anyway, hindi naman hinayaan ni Sharon ang pambubuska. Aniya, malabo ito dahil, “Bilyonarya ako!”
Yun na!