Dear Doc Rica,
Totoo po ba ang mga napapanood ko sa YouTube na mga pampalaki ng ari na pinupump lang po?
Need To Pump
Hello Need To Pump,
To answer your question bluntly, hindi po totoo na gumagana at kayang makapagpalaki ng ari ang mga penis pumps. Sa totoo lang, kapag gumamit ka nito, mas puwede pang makasama ito sa iyong kalusugan at sa iyong ari. Puwede ito maka-irritate, maka-infect, o kaya ay makasugat sa ari mo.
Kailangan mo ba talaga ng mas malaking penis? Ang average size ng malambot na ari ay around three inches, at kapag matigas naman ay around five inches. Ano ba ang sukat ng iyo? Kung ang sukat mo kapag matigas ay around four inches mula sa base, ibig sabihin ay sakto lang ang laki nito. Ayon sa mga pag-aaral, ang mga Pilipino ay mayroong average penis size.
Siguro ay mas makakabuti kung hindi mo ikukumpara ang shape at laki ng iyong ari sa mga nakikita mo sa media katulad ng porn. Hindi totoo ang mga ito. Minsan, idinadaan sa lighting at editing ang laki ng mga ari ng pornstars.
Sabi ng mga pag-aaral, hindi importante ang laki ng ari mo sa pagpapasaya sexually ng iyong partner. May mga lalaking may above average size na penis, pero hindi naman talaga magaling sa kama. Kaya, kung hindi mo alam ang iyong ginagawa, wala ring kwenta ang pagkakaroon ng malaking ari.
Kung gusto mong mabigyan ng pleasure ang iyong partner, mas importante ang pakikipag-usap sa kaniya tungkol sa kaniyang wants and needs sexually kaysa sa size ng iyong penis. Kaya ang maipapayo ko sa iyo ay mas pagtuunan mo ng pansin ang kagustuhan ng partner mo kaysa ang mga YouTube videos ng penis pumps. Good luck!
With love and lust,
Rica
* * *
Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Sex and Relationships Therapist, Sex Educator. She opines that sexual empowerment for Filipinos is sexier than sex.
Follow her at facebook.com/ TheSexyMind and facebook. com/ConservativeAko and @_ ricacruz in Twitter and IG and subscribe to her podcast, bit. ly/conservativeako on Spotify. Join the Conservative Ako Community on Facebook for more advise on sex and love!