BY DELIA CUARESMA
*
PINALAGAN ng Director General ng Film Academy of the Philippines (FAP) na si Vivian Velez ang pagbigay ng Kongreso ng provisional franchise sa ABS-CBN kamakailan.
Aniya sa Facebook, “Congress providing ABS-CBN provisional franchise is illegal… Abolish Congress!”
Malaman ang isa pang post ni Vivian na nagpapakita ng litrato ng prutas na balimbing.
Wala man siyang pinangalanan pero obvious kung sino ang pinatatamaan. Si House Speaker Alan Peter Cayetano ang sponsor ng House Bill 6732, kunsaan pinayagan ang Kapamilya network na umere hanggang Oct. 31.
Hirit pa ng tinaguriang Original Miss Body Beautiful, “You don’t give a pep talk to rally people behind you, then buckle down in the end. Keep your word! #yes2shutdown #no2oligarchs.”
Nag-post din si Vivian ng kopya ng House Resolution No. 853.
Aniya, “To those morons yesterday… baka nakakalimutan nyo na meron din nito.”
Ang House Resolution No. 853 ay naglalayong paimbestigahan ang mga “probable violations” ng ABS-CBN.
Dating napanood sa “Tubig at Langis” sa ABS-CBN si Vivian. Natanggal siya dito matapos makaalitan si Cristine Reyes.