HINDI tanggap ni BB Gandanghari ang pahayag ni Robin Padilla na kesyo maraming pinagdaanan ang kanilang pamilya the past months, kaya hindi siya nakukumusta ng mga ito.
Hindi rin tanggap ni BB ang sinabi ni Robin na mahal siya ng kanilang pamilya, pati na ang payo nito na tigilan na niya ang kakatampo.
Aniya sa isang IG Live chat, pakitang-tao lang ‘yun ni Robin – pabango sa publiko, pa-pogi.
Wow.
Tila malalim ang pinag-ugatan ng tampo ni BB sa kanyang pamilya.
Si BB na rin mismo ang nagkumpirma nito nang sabihing neglected child siya ng pamilya.
Sina Robin, Royette at Rommel daw ang mga pabritong anak ng kanilang Mama Eva Cariño.
Hindi rin nakaligtas kay BB ang misis ni Binoe na si Mariel Rodriguez na tinawag niyang “talking doll.”
Ang tanong ni BB: Bakit daw kailangang idaan pa ni Robin sa IG Live ni Mariel ang mensahe para sa kanya?
Ayon pa kay BB, two or three years na silang walang communication ni Robin since umalis siya papuntang America.
Umalis siya dahil labag sa kanyang kalooban ang maging sunud-sunuran na lang sa kanyang pamilya. Naku, huh!
MISS NA
Kapag natapos na ang Enhanced Community Quarantine (ECQ), unang gagawin ni Katrina Halili ay umuwi sa El Nido, Palawan.
Ito ay dahil sobrang miss na raw niya ang pamilya doon.
Habang naka-ECQ pa, ang pagbi-bake ng bread at pastries ang pinagkakaabalahan ni Katrina para hindi siya ma-bore.
Katulong niya ang anak kay Kris Lawrence na si Katie.
Miss na rin ni Katrina ang taping ng “Prima Donnas” at excited na raw siyang makapagtrabaho muli.