BY REGGEE BONOAN
*
“4 na out of town raket, 3 shows abroad at 2 potential love life ang naudlot dahil sa COVID-19!” ito ang post ng stand-up comedian/ actor na si Kim Idol kamakailan.
Isa lamang siya sa mga maraming entertainers na lubos na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa mapamuksang virus.
“Nu’ng una okay pa, pero habang dumadaan na mga araw, parang hindi na abot, need ko na mag-iba ng linya,”sabi ni Kim nang maka-chat namin.
Sa ngayon ay nagtatrabaho si Kim bilang encoder sa Bureau of Quarantine.
Kuwento niya, “Kinuha ako nu’ng doktor na friend ng friend ko. Ngayon nag e-encode ako sa opisina nila dito sa Port Area.
“I was deployed the other day but was pulled out. While waiting for deployment, I’m doing some errands here in the Bureau of Quarantine.
“Waiting po ako ulit na ma deploy, pero if ako po ang masusunod, mas preferred ko na mag-encode na lang kasi mas safe kesa sa humalibilo sa mga repatriates na naka-quarantine kasi puwede pong me mag positive sa kanila.
“Pahinga na muna ang aking entertainer alter ego na si Kim Idol habang idle pa ang entertainment business, normal na buhay muna as a government employee with my real identity Michael Argente! #AdjustingToTheNewNormal!”