HINDI tumitigil si Alden Richards sa pagtulong sa mga nangangailangan, huh!
Ito nga at nag-bigay ayuda ang binata kamakailan lang sa ilang street dwellers na pansamantalang nakasilong sa Paco Elementary School.
Ganun din ang ginawa niya sa ilang street dwellers na nakalagak sa Don Bosco Makati naman.
Sa video na inilabas ng “24 Oras,” todo ang pasasalamat ng mga kapuspalad na ito kay Alden at sa tulong na ipinadala niya.
Ani ng isa, “Maraming salamat po sa Paco Catholic School sa pagpapatuloy ninyo sa amin dito at lalung-lalo na kay Idol Kapuso Alden Richards.”
Ayon sa report, mahigit 200 street dwellers ang natulungan ng tinaguriang Asia’s Multimedia Star.
Well, sa totoo lang, lubos naman talagang matulungin itong si Alden.
Hindi lang ang mga naninirahan sa kalye ang tinulungan nya, huh!
Pinatunayan ito ng kanyang sariling ama na si Richard Faulkerson na aniya, kahit sino pa ang dumulog sa anak ay pinauunlakan nito.
Sa ngayon, pinaghahandaan naman ng Kapuso artist ang pagtulong sa mga kababayan nating nabiktima ng bagyong Ambo sa Eastern Samar.
Siyempre pa katuwang niya ang GMA Kapuso Foundation dito.
Samantala, resume operations na ang food chain business ni Alden sa Biñan, Laguna na nag-celebrate ng first anniversary nito lang.