BY RUEL MENDOZA
*
MATAGAL ding hindi nagparamdam sa social media ang Kapuso hunk na si Derrick Monasterio simula noong magkaroon ng Enhanced Commmunity Quarantine.
Panay throwback ang mga recent posts niya sa IG hanggang sa bigla itong nag-post ng pang-thirst trap na photo para sa kanyang mga nag-aabang na followers.
Kitang-kita sa post ang batak na batak na katawan ni Derrick at parang ang tigas tigas ng kanyang six-pack abs.
Mukhang ang pagwo-workout sa bahay ang pinagkakaabalahan ni Derrick kaya mas lalo siyang naging yummy.
Sa mga gustong magkaroon ng katawan katulad ng kay Derrick aniya, “Lack of direction, not lack of time, is the problem. We all have twenty-four hour days.”
Timing naman na ni-launch ang music video na handog ni Derrick para sa mga frontliners na may titulong “Panalangin sa Pagiging Bukas Palad.”
Mapapanood ang music video sa website ng GMA Network at YouTube.