BY RUEL MENDOZA
*
MALAPIT nang mapanood sa isang bagong show sa Kapuso network ang 2019 Miss World Philippines titleholder na si Michelle Dee.
Kakaibang Michelle ang mapapanood sa kanyang bagong proyekto dahil dito ipapakita niya ang husay niya sa computer games.
Ani Michelle, “Been thinking of different ways to entertain everyone during the ECQ and this is one of them!”
Dagdag pa niya, “Everyone’s used to seeing my Beauty Queen persona, so this might be interesting to most of you but trust me, i have some really exciting content coming your way!!!”
Magkakaroon din daw si Michelle ng celebrity guests sa show sa tulong ng GMA network and GMA Artist Center.
Marami ang na-excite sa project na may pamagat na “Michelle’s Gaming World.”
Isa na rito ang kapwa celeb na si Benjamin Alves may request na agad kay Michelle na ipakita ang galing sa paglalaro ng sikat na ‘Mobile Legends.’
Patuloy pa rin napapanood si Michelle kasama sina Winwyn Marquez at Thia Thomalla sa “Glow Up.”