BY REGGEE BONOAN
*
NAKAUSAP namin si Matteo Guidicelli via Zoom kamakailan para sa proyekto niyang “Ranger G” at inupdate niya kami sa buhay mag-asawa nila ni Sarah Geronimo.
Marami raw bagong nadiskubre ang aktor sa kabiyak mula nang magsama sila sa iisang bubong.
“I think every single day is a blessing and every single day I’m so thankful that I get to sleep and wake up beside her. Up to now it’s like a dream,” pagbabahagi ni Matteo.
Sa tanong kung ipinagluluto siya ni Sarah, ani Matteo, “Mix, eh, take turns (kami).”
Siya ba ang nagturo sa asawa magluto?
“Kaming dalawa, everyday we learn from each other.”
Samantala, sa tanong kung papasukin din ni Matteo ang magiging anak nila ni Sarah sa military sey nito, “depends kung gusto niya, hindi ko siya pipilitin, that’s not my style.”